Post

6th State of the Barangay Address (SOBA)

Posted on October 10, 2016 in Disaster Risk Reduction and Management, Education, Environmental Protection, Fire Prevention and Control, Health and Sanitation, Infrastructure, Land and Housing, Livelihood, Peace and Order, Projects by Batasan Hills Admin

6th State of the Barangay Address (SOBA)

Reported by

Captain John “Jojo” M. Abad

 Slide1

Isang makabuluhang gabi sa inyong lahat, mga kabarangay!

 

Ngayon ang ika-anim na State of the Barangay Address ng inyong lingkod at may temang “Para sa Tunay na Pagbabago, Mag-MASID, Makisali at Makiisa sa Isang Maka-MASAng Asembleya.” Sa inyo pong lahat na dumalo at nagbigay ng inyong panahon na makiisa at maging bahagi sa napakahalagang pagtitipon ngayong gabi, lubos po ang aking taus-pusong pasasalamat sa inyong lahat.

 

Maraming salamat po sa mga pederasyon ng National Government Center, sa SANAPA, KOSA, SAMA-SAMA, MALCOMMCATZ, ALABCO, Luzviminda, SADAKA, PAMANA at CMP. Gayon din sa pederasyon ng Loyalty P.I.P.O.L. Watch, Incorporated, Kaagapay KBH, sa mga samahan ng RIM Philippines, Tau Gamma Triskelion, Tiger Ladies, Mama’s Brigade, BWL, Loyalty Kidz, Loyalty Single Moms, Kabalikat Civicom, sa mga Guardians, sa ating Muslim community, samahan ng mga vendors, samahan ng BATODA, samahan ng padyak, sa BYCLF, Buklod-Ka, Pandayan ng Kabataan, Loyalty Riders, Happy Group, D’ Amazing at iba pang samahan.

 

Lubos ang aking pasasalamat sa aking mga katuwang sa konseho na sina Kagawad Luisito “Tata” Ludovica, Kgd. Edgar “Junjun” Macario, Kgd. Jhorwin Santos, Kgd. Charlie Mangune, Kgd. Ernesto “Ernie” Custodio, Kgd. Filomena “Nanay Luming” de Guzman at Kgd. Roberto “Bobby” Miras.

 

Sa ating Barangay Secretary Edwin Misolas, Barangay Treasurer Rey Parreñas, Barangay Administrator Adonis Monahan, sa ating Liaison Officer Arlene Ludovica, Public Relations Officer Joe Frias.

 

Sa aking pamilya, Madam Cristy Abad at aking mga anak, sa aking mga kapatid na walang sawang gumagabay sa aking paglilingkod at sa inyong lahat na aking mga kabarangay.

 

 

Land and Housing Committee

 

Para sa ulat ng ating Land and Housing, katuwang natin si Kgd. Luisito “Tata” Ludovica, “Pangarap namin na kayo ay magkaroon ng sariling lupa.” Kaya patuloy ang ating ginagawang pagtulong at pag-alalay sa mga HOA na nagrereblocking sa nasasakupan ng National Government Center (NGC) upang tiyakin na ang lahat ng lupa na nasa ilalim ng programang palupa ay maibahagi na natin sa mga qualified beneficiaries. Gayon din ang ginagawa nating pagtulong sa CMP.

 

May 18, 2016, nagkaroon tayo ng pagpupulong sa samahan ng magkakapitbahay sa lugar ng San Antonio De Padua kasama ang bago nilang Purok Leader Oscar Bautista.

 

May 31, 2016, nagkaroon ng pakikipagpulong ang inyong lingkod sa may ari ng lupa sa Block 22 Lot 24 para sa programang Community Mortgage Program (CMP).

 

June 18, 2016, nagkaroon po tayo ng pagpupulong sa mga kasapi ng Bayanihan Neighborhood Association para sa katiyakan ng kanilang paninirahan.

 

Mula June 21 hanggang June 24, 2016, tuluy-tuloy ang ginawang reblocking sa Luzviminda Block 3 HOA.

 

July 2, 2016, patuloy nating pinalalakas ang kaalaman ng ating mga CMP HOA presidents sa ginanap na “Estate Management” ng Presidential Commission for the Urban Poor (PCUP).

 

July 9, 2016, nagpatuloy ang pagpapadala natin ng mga CMP HOA presidents para magtraining ng “Estate Management” sa PCUP.

 

July 10, 2016, nagkaroon din tayo ng pakikipagpulong sa mga kasapi ng Hillside Kapwa Neighborhood Association.

 

July 16, 2016, nagkaroon din tayo ng pakikipagpulong sa mga kasapi ng Dakila Block 3 HOA sa katiyakan ng kanilang paninirahan.

 

July 28, 2016, sinuportahan ng ating pamunuan ang ginanap na halalan ng Pangarap HOA sa Kalayaan C Extension.

 

September 8, 2016, nagkaroon tayo ng MOA signing kasama si Cong. Winnie Castelo at Konsehala Precious Hipolito-Castelo para sa property na pag-aari ng Agas upang maging CMP project sa lugar ng Taniman.

 

September 16, 2016, lumahok ang ating mga HOA presidents at kababaihan sa ginanap na general assembly at election ng City Development Council (CDC) na kung saan ay nahalal si kasamang Tess Nator bilang kinatawan ng HOA at si Mayeth Nacional bilang kinatawan ng urban poor sector ng District 2 at sa kababaihan naman ay nahalal si kasamang Amy Ibañez bilang kinatawan ng kababaihan ng District 2.

 

September 18, 2016, pinangunahan natin ang general assembly ng Blessed Hills HOA at Faithful Ville HOA.

 

September 19 hanggang 21, nagpatuloy ang reblocking sa Kasanisan HOA.

 

September 23, 2016, patuloy ang ginawa nating pakikipagpulong sa Pilama Block 1 HOA sa ilalim ng SANAPA Federation ni President Alma Falcis.

 

Sa usapin ng Harmony Hills na programa ng National Government Center (NGC), kasalukuyan nang inumpisahan ang pagtatayo ng mga staging areas na paglilipatan ng mga apektadong pamilya na nasa loob ng Accibal Compound.

 

 

Environmental Protection Committee

Sa ulat ng Environmental Protection Committee, katuwang natin si Kgd. Luisito “Tata” Ludovica, patuloy ang ginaganap nating mga seminars at training para higit pa nating madagdagan ang kaalaman ng ating mga environmental police.

 

Mula pa noong April 8, 2016 ay sumasalang na sa mga seminars at training ang ating mga Environmental Police sa pangunguna ng EPWMD.

 

April 12, 2016, nagkaroon din tayo ng orientation at dialogue para sa mga naninirahan sa Kalayaan. Layunin nito na turuan ang mga naninirahan malapit sa mga creek na linisin at bantayan na laging malinis ang mga creek na kung saan sila malapit na naninirahan.

 

April 26, 2016, agad din tayong nagconduct ng orientation at dialogue sa Kalayaan D kasama ang EPWMD.

 

Patuloy pa rin at regular ang ating paglilinis sa iba’t ibang lugar ng ating barangay lalo na sa ating mga waterways at mga creek.

 

May 28, 2016, nagconduct tayo ng clean up drive sa De Gloria Extension.

 

June 4, 2016, agad nating nilinis ang lugar ng Taniman bilang paghahanda sa panahon ng tag-ulan.

 

June 10, 2016, sa tulong ng EPWMD ay muli tayong nagbigay ng uniform at sanitary tickets para sa ating additional na mga Environmental Police para madagdagan ang mga nanghuhuli ng mga nagtatapon ng basura. Sa ngayon po ay mayroon tayong 40 na Environmental Police.

 

Para sa paghahakot ng ating basura:

 

Mga basurang di-nabubulok:

 

Sa buwan ng July 2016, nasa 16, 400 toneladang basurang di-nabubulok ang nahakot natin para sa buong Batasan Hills.

 

Sa buwan ng August 2016, nasa 23, 240 toneladang basurang di-nabubulok ang nahakot.

 

At para sa buwan ng September 2016, nasa 17, 170 toneladang basurang di-nabubulok ang nahakot.

 

Para naman sa mga basurang nabubulok:

 

Sa buwan ng July 2016, nasa 7, 640 toneladang nabubulok na basura ang nahakot.

 

Sa buwan ng August 2016, nasa 7, 650 toneladang nabubulok na basura ang nahakot.

 

At sa buwan ng September 2016, nasa 7, 190 toneladang nabubulok na basura ang ating nahakot.

 

September 19, 2016, nagkaroon tayo ng clean up drive at trimming of trees sa kahabaan ng DSWD at Palma Street sa Filinvest 2.

 

Mayroon po tayong mga posters ng waste segregation at schedule ng kolekta ng mga basura sa bawat area.

 

 

Livelihood Committee

Sa ulat ng ating Livelihood Committee, katuwang natin dito si Kgd. Edgar Macario at buong konseho sa pagpapatupad at paghahanap ng iba’t ibang programa at proyekto na makakatulong sa ating mga kabarangay. Ang lagi nga nating paalala, “Ang kabuhayan at kaalaman ng ating barangay, nakasalalay sa ating mga kamay.” Kaya’t hindi tayo dapat magpabaya para sa ating mga kabarangay.

 

April 22, 2016, lumahok tayo sa programang Sari-Sari Store Training and Access to Resources graduation ceremonies sa tulong at suporta ni Konsehala Star Valmocina at Konsehal Toto Medalla.

 

May 7, 2016, tumulong din si Kgd. Macario bilang isang registered nurse sa ginanap nating Operation Tule sa ating barangay hall katuwang ang Tau Gamma Phi.

 

May 23, 2016, nagkaroon din tayo ng Operation Tule sa Kalayaan B kasama ang Tau Gamma Phi at isa si Kgd. Macario sa mga tumulong sa pagtuli sa mga bata.

 

May 31, 2016, lumahok tayo sa “World Day against Child Labor” at sa programang ito ay natulungan natin ang dalawampung (20) mahihirap na pamilya sa ating barangay na magkaroon ng financial assistance at school supplies para sa kanilang mga anak.

 

June 7, 2016, lumahok tayo sa ginawang pagbibigay ng mga cleaning materials mula kay Cong. Winnie Castelo para sa paaralan ng PCCAES.

 

June 28, 2016, inilunsad natin ang paglalagay ng selyo sa mga timbangan ng mga manininda ng Batasan Vendors Association kasama ang mga kinatawan mula sa city hall.

 

July 3, 2016, naglunsad din ng mass feeding program si Kgd. Macario sa lugar ng View River.

 

July 10, 2016, nagkaroon tayo ng programang dental mission sa lugar ng Consti Covered Court sa tulong ni Kgd. Macario at Dra. Mimi Macario. Nasa mahigit 192 pasyente ang ating naging beneficiaries at katuwang din sa programang ito ang Unciano Colleges, Inc.

 

July 14, 2016, nagkaroon din ng pagsasanay sa paggawa ng noodles ang dalawampu’t isa (21) nating mahihirap na kabarangay sa pamamagitan ng Sikap Buhay Livelihood Program at pinagkalooban sila ng mga gamit para sa paggawa ng noodles.

 

Nagkaroon din tayo ng pagbibigay ng mga hygiene kits sa mga Yakap Day Care Centers na pang-umaga at panghapon.

 

July 16, 2016, nagkaroon tayo ng pakikipag-usap sa mga associations ng Batasan vendors, Talanay vendors at Ilang-Ilang vendors para tiyakin ang kalinisan at kaayusan ng lugar ng kanilang panindahan.

 

July 21, 2016, nagkaroon tayo ng dog vaccination na isinagawa sa Vista Real Subdivision.

 

July 22, 2016, lumahok tayo sa ginanap na selebrasyon ng Nutrition Month sa Saret Covered Court at Pangasinan Covered Court.

 

July 23, 2016, muli tayong nagkaroon ng dental mission sa tulong ni Kgd. Macario at Dra. Mimi Macario at katuwang ang Unciano Colleges, Inc. sa Tribu Covered Court.

 

July 30, 2016, patuloy pa rin ang pagbaba ng dental mission sa iba’t ibang lugar ng ating barangay na katuwang natin si Kgd. Junjun Macario at Dra. Mimi Macario. Sa Freedom Park, nasa 211 patients ang ating naserbisyuhan.

 

August 7, 2016, nagkaroon din tayo ng dental mission sa Pangasinan Covered Court kasama ang Unciano Colleges, Inc. Nasa 170 ang pasyenteng ating naserbisyuhan at 15 ang nag-undergo ng restorative procedure.

 

September 1, 2016, nagkaroon din tayo ng dog vaccination sa Taniman at nakatulong din natin si Kgd. Macario sa pagbabakuna sa mga aso.

 

September 2, 2016, nagkaroon din tayo ng dog vaccination sa Pangasinan Covered Court.

 

September 22, 2016, nagkaroon tayo ng iba’t ibang pagsasanay na programa ng TESDA. Nasa 40 na kabarangay natin ang nagsasanay para maging call center agents at 38 para maging computer programmers.

 

September 29, 2016, nagkaroon tayo ng Sikap Buhay financial assistance para sa 25 na pamilya ng ating barangay. Nagkaroon sila ng dagdag puhunan para sa kanilang mga hanapbuhay.

 

October 2, 2016, muli tayong nagkaroon ng dental mission na ginanap sa Area B Covered Court, Talanay in partnership with Unciano Colleges, Inc., Kgd. Macario and Dra. Mimi Macario. Nasa 207 na pasyente ang binunutan ng ngipin at 12 ang pinastahan.

 

 

Barangay Council for the Protection of Children (BCPC)

Sa ulat ng BCPC, katuwang natin si Kgd. Edgar Macario at ang konseho.

 

June 5, 2016, nagsagawa ng BCPC orientation sa lugar ng Lakatan Street, Talanay.

 

June 17, 2016, nagkaroon ng BCPC orientation sa Caroline Learning Center sa may Filinvest 1 Road.

 

June 23, 2016, tuluy-tuloy ang ginagawang pagpupulong ng ating BCPC para sa iba pang mga programa at proyekto na maaaring maibaba sa bawat komunidad.

 

June 24, 2016, nagkaroon ng BCPC orientation sa mga kabataan ng Luzviminda na ginanap sa bagong Luzviminda Community Center.

 

June 25, 2016, agad sinunod ang BCPC orientation sa Purok Uno (1) Luzviminda Area.

 

June 26, 2016, sa lugar ng Adonai School of the Kingdom naman ginanap ang BCPC orientation sa may Hill Street, Talanay.

 

On-going na rin ang ating BCPC Alternative Learning System (ALS) na ginaganap sa Luzviminda Community Center sa pagtuturo ni Carlo Natavio at Miss Shaira Mae Natavio.

 

July 5, 2016, mayroon na rin tayong BCPC orientation para sa first and second batches ng mga 4Ps beneficiaries ng Freedom Park 3 and 4 na ginanap sa Freedom Park Multi-Purpose.

 

July 9, 2016, nagkaroon ng BCPC orientation na ginanap sa Briones Street, Freedom Park 5.

 

July 10, 2016, nagkaroon din tayo ng BCPC orientation sa lugar ng 4th and 5th Alley, Kalayaan B.

 

July 14, 2016 naman para sa first and second batches ng BCPC orientation na ginanap sa Pook Pag-asa Yakap Day Care.

 

July 19, 2016, nagkaroon ng BCPC orientation sa IBP Kaunlaran Street.

 

July 21, 2016, ginanap ang BCPC orientation ng first and second batches ng 4Ps beneficiaries sa Luzviminda Community Center.

 

July 22, 2016, nagkaroon ang BCPC Survival Committee ng mass feeding sa Pook Pag-asa Yakap Day Care.

 

July 23 naman ay nagkaroon ng BCPC orientation sa Matagumpay Street Basketball Half Court.

 

July 26, 2016, nagkaroon ng first and second batches ng BCPC Positive Discipline Orientations na ang naging tagapagsalita ay si Miss Teresita Busadre na Assistant Principal ng Batasan Hills National High School.

 

July 27, 2016, isang karangalan para sa ating barangay na maanyayahan ang ating BCPC sa QC Hall of Justice kasama ang ilang judges ng Quezon City at mga judges na galing pa ng Ghana, Africa para magshare ng BCPC best practices ng ating barangay.

 

July 28, 2016, nagkaroon tayo ng BCPC-HIV Awareness Seminar na in partnership with Shell Philippines at Lovelife Project Director Cris Pablo na ginanap sa Luzviminda Community Center.

 

July 31, 2016, nagkaroon tayo muli ng BCPC orientation sa Bayanihan Street, Talanay.

 

August 18, 2016, nagkaroon tayo ng BCPC orientation na ginanap sa Talanay Yakap Day Care Center sa Alton Street.

 

August 25, 2016, patuloy tayong nagkaroon ng BCPC orientation at ito ay ginanap sa Freedom Park 5 Yakap Day Care.

 

September 1, 2016, muli tayong nagkaroon ng BCPC orientation para sa Luzviminda Yakap Day Care at sa United Tribu Multi-Purpose Hall.

 

September 3, 2016, nagkaroon tayo ng BCPC orientation para sa mga kabarangay natin sa View River.

 

September 15, 2016, nagkaroon tayo ng BCPC Case Management Seminar na pinangunahan ng ating panauhing si Sister Adel Abamo na ginanap sa conference room ng ating barangay.

 

September 20, 2016, nagkaroon tayo ng BCPC orientation para sa Jasmin Yakap Day Care Center.

 

September 22, 2016, nagkaroon tayo ng BCPC orientation para sa Constitution Yakap Day Care Center.

 

September 25, 2016, nagkaroon tayo ng BCPC Positive Discipline Seminar sa Kalayaan C Extension.

 

Tuluy-tuloy pa rin ang ginagawa nating Operation Birth Right para tulungan sa pagrerehistro ang mga batang wala pang birth certificate.

 

 

Infrastructure Committee

Sa Committee on Infrastructure, katuwang natin dito si Kgd. Jhorwin Santos. Tinututukan natin lahat ng ating mga kalsadahan at mga alleys lalo na sa mga lugar na may mga on-going reblocking at kasalukuyang nagbubukas ng mga bagong kalsada at alleys.

 

Sa ngayon, natapos na ang kalsada ng Session Road Upper at Python Street.

 

Sa Misamis Street sa Luzviminda ay natapos na rin at nagagamit na ng ating mga kabarangay.

 

Kasalukuyan naming ginagawa ang Kabihasnan Street.

 

Sa Pook Pag-asa, on-going na rin ang ginagawang kalsada.

 

Natapos na rin ang Katarungan Street at ngayon ay nadadaanan na ng ating mga kabarangay.

 

Tapos na rin ang Kaunlaran Street at ito po ay mula sa pondo ng ating barangay.

 

Natapos na rin ang Luzviminda Community Center sa Luzviminda Village na ngayon ay nagagamit na ng mga HOA, senior citizens at sektor ng kabataan.

 

Sa ngayon ay may on-going na bagong gusali ang Corazon Aquino Elementary School Extension.

 

Gayundin, kasalukuyan na ring itinatayo ang Batasan National High School Extension.

 

Sa ating mga waterways at creeks, patuloy ang ginagawa nating proyektong riprap para maayos natin ang mga daluyan ng tubig sa ating mga waterways at mga creeks.

 

Natapos na natin ang riprap sa kahabaan ng Kalayaan C. Ito po ay may habang 200 meters.

 

Natapos na rin ang riprap sa may Arba Extension, Talanay na may habang 200 meters.

 

On-going po ang riprap sa may Taniman/Sta. Lucia, Talanay na may habang 200 meters.

 

On-going na rin po ang pagpapagawa ng retaining wall sa lugar ng De Gloria Extension, Talanay.

 

Natapos na ang Sampaguita Street at ngayon ay nagagamit na ng ating mga kabarangay.

 

Kasalukuyan na rin pong ginagawa ang Rosas Street, Ilang-Ilang.

 

On-going na rin po ang Catbalogan Street at Tarlac Street sa lugar ng MALCOMMCATZ, Luzviminda.

 

Natapos na rin ang Ilang-Ilang Multi-Purpose at ngayon ay nagagamit na ng ating mga kabarangay at HOA.

 

Naayos at natapos na ang repainting ng Consti Covered Court.

 

Tapos na at napaglalaruan na ang basketball covered court sa Taniman, Talanay.

 

Tapos na rin ang basketball covered court sa Pangasinan Street.

 

Tapos na rin ang basketball covered court sa Area A-3, Talanay.

 

Tapos na rin ang basketball covered court sa Kalusugan Street.

 

Sa ngayon ay on-going na ang pagtatayo ng Rosario Maclang Bautista Hospital sa may IBP Road.

 

On-going pa rin ang construction ng bagong barangay hall.

 

Patuloy din ang ginagawa nating repainting, repair at beautification ng SB Park para mapanatili natin ang kagandahan, kalinisan at kaayusan nito.

 

On-going na rin po ang Quezon City District 2 Processing Center sa may SB Park.

 

Malapit na rin gawin ang flood control slope protection sa San Mateo River na sakop ng Batasan Hills at Bagong Silangan. Ito po ay makakatulong sa ating barangay upang maiwasan ang pagbaha sa mga subdivisions ng Serra Monte, Northview I at Northview II at sa lugar ng River View at View River.

 

Tuluy-tuloy din ang ginagawang inspection ni Kgd. Jhorwin Santos sa mga computer shops upang tiyakin na ang ordinansa ng discipline hours ay naipapatupad sa mga menor de edad na nasa computer shops.

 

 

Transportation and Communication Committee

Sa ulat natin para sa transportation and communication, katuwang natin dito si Kgd. Charlie Mangune.

 

Sa ngayon, patuloy ang ginagawa nating pagbabago para higit pang maging updated at accurate ang ating 32-inch CCTV cameras sa mga lugar sa Batasan Hills. Ang ating barangay hall po ay may 24X7 CCTV monitoring.

 

Mula April 3, 2016 hanggang September 2016, nakapagtala tayo ng 79 na iba’t ibang kaso at aksidente na nakunan ng ating mga CCTV na siyang naging dahilan para maresolba natin ang mga kasong ito.

 

Mayroon na rin tayong 22 units ng Public Address para mabilis nating maiparating sa ating mga kabarangay ang mga kaganapan, programa at proyekto ng ating barangay lalung-lalo na sa usapin ng job fair at TESDA training.

 

Mayroon na rin tayong 122 na mga two-way radio na ginagamit ng ating mga Purok Leaders para sa kanilang mga nasasakupan.

 

Sa ngayon, mayroon po tayong apat (4) na cell sites sa ating barangay – ang Globe, Smart, Sun at Wi-Tribe.

 

Maaari rin po nating Makita ang mga kaganapan sa ating barangay sa ating official website na www.barangaybatasan.com at official Facebook page na Brgy. Batasan Hills.

 

Mahigpit din nating ipinatutupad sa ilang pangunahing kalsada ang one side parking. Kabilang dito ang Constitutional Road, Senatorial Road, Session Road Upper at Lower, Bill Street, Kagawad Road Area A, B at C, Hill Street, Dakila Street, Lakatan Street at Saret Street.

 

Nagkaroon na rin, sa tulong ni Kgd. Mangune, na makapagpalagay ng apat (4) na CCTV sa loob ng BATODA terminal. Bukod pa rito ang public address.

 

Mayroon na ring gasolinahan sa loob ng BATODA terminal bilang tulong na rin sa mga namamasadang tricycles na makabili ng murang gasolina.

 

Mayroon na ring tatlong (3) urinals at may mga TV screens sa bawat pilahan ng mga tricycles.

 

Tuluy-tuloy ang mga ginagawang pagpupulong ng ating mga traffic enforcers at ni Kgd. Mangune para sa mga illegal parking, one side parking, violation of loading and unloading ng mga jeepneys.

 

Tuluy-tuloy din ang pag-aayos ng mga sub-terminals ng mga tricycles para hindi sila makaabala sa daloy ng trapiko at sa mga dumadaan.

 

Tinututukan na rin natin ang mga sirang sasakyan na lubhang nakakaabala sa ating mga pangunahing kalsada at agad natin itong ginagawan ng report para ipa-towing sa Traffic Sector 5.

 

Nagkaroon din ng Libreng Gupit sa BATODA terminal para maging presentable ang ating mga tricycle drivers sa kanilang mga pasahero.

 

Nagkaroon din ng palaro para sa mga kasapi ng BATODA katulad ng basketball league si Kgd. Mangune.

 

Tuluy-tuloy pa rin ang programang AlkanSSSya ng SSS para sa ating mga tricycle drivers bilang tulong sa kanilang kinabukasan.

 

Tuluy-tuloy din ang operasyon ng ating Oplan Sita. Magkatuwang ang ating mga traffic officers at kapulisan.

 

Agad din natin tinutugunan ang mga reklamo at hinaing ng ating mga tricycle drivers laban sa mga out-of-line na jeep na lubhang nakakaapekto sa pasada ng ating mga tricycle drivers at sa kanilang dapat kitain.

 

Kaya’t tuluy-tuloy ang ginagawa nating Operation Bantay Ruta sa kahabaan ng IBP Road para hulihin ang mga jeepney drivers na out-of-line.

 

Sa ngayon, mabilis na ang pagpapagawa ng Barangay ID sa ating barangay. Ito ay dahil sa makabagong kagamitan na ating binili upang mapabilis natin ang ating serbisyo para sa ating mga kabarangay.

 

Sa ngayon, kasalukuyan nang ginagawa ang MRT 7 Project sa kahabaan ng Commonwealth Avenue na may labing apat (14) na istasyon mula SM/Trinoma hanggang San Jose del Monte, Bulacan.

 

 

Education Committee

Sa ulat naman ng Committee on Education, katuwang natin si Kgd. Ernie Custodio. Lagi nating pinapaalala sa mga mag-aaral na, “Ang edukasyon ang tanging yaman na hindi mawawala sa ating pagkatao.”

 

May 18, 2016, nagkaroon tayo ng pakikipagpulong para sa mga guro ng Pinasama Day Care upang paghandaan ang darating na pagbubukas ng klase sa June.

 

May 28, 2016, nagpadala ang ating barangay ng mga bata mula sa Grade 3 at 4 sa paanyaya ng National Historical Commission na ginanap sa museo ni Manuel L. Quezon. Dito, itinuro sa mga bata ang kahalagahan ng ating pambansang watawat bilang pambansang simbolo.

 

May 30, 2016, lumahok tayo sa ginanap na parade para sa pagbubukas ng Brigada Eskwela sa mga pampublikong paaralan. Layunin natin na maging malinis ang paaralan sa pagbubukas ng klase.

 

July 11, 2016, nakipag-ugnayan tayo sa lahat ng mga paaralan – pribado at pampubliko – upang alamin ang dami ng mga enrollees at malaman natin kung sila ay sumusunod sa mga patakaran at may kaukulang permit mula sa DepEd.

 

At mula July 11 hanggang July 19, nagkaroon tayo ng dagdag gamit pang-eskwela katulad ng coloring books, crayons, soap at toothbrush para sa labing-isang (11) day care centers. Nasa 940 na bata ang nabiyayaan ng proyektong ito na pinangunahan ni Kgd. Custodio.

 

Nagkaroon din tayo ng BINGO Socials na may kasamang feeding sa iba’t ibang lugar para sa ating Purok Leaders. Mula June hanggang July, nasa 691 na mga kabarangay ang lumahok at sa buwan ng August, nasa 559 na mga kabarangay natin ang lumahok sa laro.

 

September 10, 2016, nasa 161 ang lumahok sa pa-BINGO na ginanap sa lugar ng Ilang-Ilang.

 

Tinulungan din natin ang mga day care centers sa kanilang mga requests at pangangailangan sa tulong ni Kgd. Custodio. Nakapagbigay tayo ng electric fan para sa S.T.A.N.A. Day Care Center sa Talanay.

 

Napaayos na rin ang aircon para sa Yakap Day Care Center sa Constitutional Road.

 

Nagbigay din ng electric fan sa San Diego Elementary School.

 

Nagbigay din ng wall fan sa Yakap Day Care Center sa Freedom Park 5.

 

Nagbigay din ng exhaust fan para sa Yakap Day Care ng Pook Pag-asa.

 

September 14, 2016, naipaayos na rin ang sirang gutter ng Yakap Day Care Center sa Alton Street, Talanay.

 

September 15, 2016, nagkaroon tayo ng “Kamustahan Paaralan” sa Yakap Day Care Center sa Jasmin, Ilang-Ilang.

 

Buo rin ang naging suporta natin sa mga programa ng boy scout students sa ating mga pampublikong paaralan.

 

Sa ngayon, nakapagpatayo na rin ng bagong day care center sa lugar ng Kalayaan B.

 

Sa ngayon, tayo po ay may 67 na schools sa buong Batasan Hills. 4 dito ay pampubliko, 50 ang pribado, 8 ang Yakap Day Care at 5 ang Pinasama Day Care. At ito ay mayroong mahigit na 36, 700 na mag-aaral.

 

Naglunsad din po tayo ng “Gamit Mo, Sagot Namin” para sa mga batang papasok sa elementarya mula buwan ng May 20, 2016 hanggang June 3, 2016 sa lugar ng Kalayaan, Consti, Taniman, Talanay Area A-3, Saret, Freedom Park, Jasmin at Kalusugan na kung saan nasa dalawang libong (2, 000) na mga bata ang nabigyan ng bags at school supplies at katuwang din natin dito ang TFYD.

 

June 8, 2016, naglunsad din ng school supplies distribution ang Loyalty P.I.P.O.L. Watch, Inc. na kung saan mahigit 500 kabataan ang nabigyan ng mga gamit pang-eskwela.

 

 

Health and Sanitation Committee

Sa committee report ng ating Health and Sanitation, katuwang natin dito si Kgd. Nanay Luming de Guzman. Tuluy-tuloy ang ating ginagawang mga programa at proyektong pangkalusugan para sa ating kabarangay.

 

Sa ulat para sa taong 2015:

 

Ang ating nabakunahan para sa mga sumusunod:

DPT-Penta                               6, 668

Anti-Polio                                12, 970

Anti-Tetanus                            7, 291

MMR                                       4, 696

Leptospirosis                           2

Tuberculosis                            178

Anti-Dengue                            164

Operation Timbang                29,323

 

April 3, 2016, nagkaroon tayo ng mass feeding sa Consti Covered Court at handog sa ating Barangay Administrator Adonis Monahan mula sa Loyalty P.I.P.O.L. Watch, Inc.

 

Tuluy-tuloy ang ginagawang mass feeding ng Kaagapay KBH tuwing Sabado sa iba’t ibang lugar ng ating barangay. Katuwang natin sa proyektong ito si Sir Wencie Ferrera at si Pastor Richard Praneza.

 

April 10, 2016, nagkaroon tayo ng bloodletting kasama ang QC Health Department at Loyalty P.I.P.O.L. Watch, Inc. na kung saan 45 donors ang naghandog ng kanilang dugo.

 

Noong April 16, 2016, nagkaroon ng Operation Libreng Tuli sa Northview I. Katuwang natin dito ang Pugad Lawin sa Northview. Mahigit 200 na bata ang naging beneficiaries ng proyekto.

 

April 21, 2016, nagkaroon tayo ng Anti-Dengue Vaccination para sa mga mag-aaral ng Corazon Elementary School.

 

April 26, 2016, nagkaroon din tayo ng Anti-Dengue Vaccination sa San Diego Elementary School na kung saan ay nasa 155 na bata ang nabakunahan.

 

May 2, 2016, nagkaroon tayo ng dental mission na kung saan nasa 223 ang nabunutan, 67 ang nalinisan at 42 ang napastahan.

 

Para sa ating mga outreach programs, kasama natin ang ating Super Health Center. Mula sa buwan ng Mayo, nasa 284 na babies ang nabakunahan. 171 ang nagseminar ng family planning at 24 na pregnant women ang nabakunahan.

 

Para sa buwan ng Hunyo, nasa 829 na babies ang nabakunahan. 172 ang nagseminar ng family planning at 360 na pregnant women ang nabakunahan.

 

June 18, 2016, nagkaroon tayo ng dental mission sa lugar ng Luzviminda. 82 ang ating naging beneficiaries.

 

June 20, 2016, patuloy ang ginagawa nating meeting ng Health and Sanitation Committee sa iba’t ibang lugar ng ating barangay.

 

June 23, 2016, 253 na bata ang ating nabakunahan sa Corazon Aquino Elementary School.

 

June 24, 2016, nagkaroon tayo ng free skin consultation na tinawag na “Gandang Balat para sa Lahat.” Katuwang natin ang Dr. Jose Reyes Memorial Hospital. 86 patients ang beneficiaries ng proyekto.

 

June 27, 2016, nagkaroon po tayo ng dental mission katuwang ang ating QC Health Department. 111 ang nabunutan, 42 ang napastahan at 30 ang nalinisan.

 

June 29, 2016, nagkaroon din tayo ng medical/dental caravan sa tulong ni Konsehala Precious Hipolito-Castelo at Cong. Winnie Castelo.

 

July 12, 2016, sa ating outreach program sa Jasmin Covered Court, 104 na bata ang ating nabakunahan at 104 na magulang ang sumailalim sa family planning seminar.

 

Sa buwan ng July, sa ating mga ginanap na bakuna, nasa 36 na bata ang nabakunahan ng DPT, 148 para sa Polio at 63 para sa MMR. Samantalang nasa 39 ang nagseminar sa family planning at 3 ang nabakunahan ng Anti-Tetanus.

 

Mula July 22 hanggang August 18, 2016, nasa 30 na lugar sa ating barangay ang nababaan ni Kgd. Nanay Luming de Guzman ng mass feeding bilang pasasalamat niya para sa kanyang kaarawan. Nasa 100 hanggang 150 na bata araw-araw ang ating napakain.

 

August 26, 2016, nagkaroon tayo ng free implant na bahagi ng family planning. 17 na mga nanay ang naging beneficiaries ng programa.

 

September 22, 2016, nagkaroon tayo ng medical mission na pinangunahan ng ating Batasan Persons with Disabilities o PWD na pinamumunuan ni Joel Brazal bilang focal person ng PWDs. 67 ang kanilang naserbisyuhan ng massage sa programang ito.

 

Tuluy-tuloy pa rin ang suporta at pagbaba ng iba’t ibang programa at proyekto sa ating mga senior citizens sa ating barangay. Nagbigay tayo ng mga uniforms sa bawat chapter ng ating mga senior citizens. At pinangunahan natin ang panunumpa sa mga bagong kasapi.

 

Sa ulat natin para sa taong 2016:

 

Ang ating nabakunahan para sa mga sumusunod:

DPT-Penta                               9, 714

Anti-Polio                                7, 589

Anti-Tetanus                            4, 038

MMR                                       3, 084

Leptospirosis                           4 (1 death)

Tuberculosis                            113

Anti-Dengue                            109

 

Fumigations/Fogging Activities

 

Ang suliranin natin sa usapin ng Dengue ang pangunahing tinutukan ng inyong lingkod. Layunin natin na wakasan na ang sakit na Dengue sa ating mga komunidad.

 

Kaya’t mula noong buwan ng January hanggang buwan ng September 2016, nasa 1, 995 na households ang ating naserbisyuhan, na may 8, 563 na bilang ng individuals. Sa mga paaralan, may 90 classrooms ang ating napausukan.

 

August 16, 2016, muli tayong nagsagawa ng tire retrieval sa mga bahay na gumagamit ng mga lumang gulong para sa kanilang mga bubong. Ito ay isa sa mga sanhi ng Dengue cases.

 

Tuluy-tuloy ang ginagawa nating mga sanitation inspections sa mga kabarangay nating nag-aalaga ng baboy na walang malinis na pasilidad, mga kabarangay nating gumagawa ng fiber glass na ang amoy ng chemical ay nagiging banta sa kalusugan lalo na sa mga bata at matatanda. Patuloy ang inspection sa mga bakeries upang tiyaking malinis at de kalidad ang kanilang ginagawang tinapay. Patuloy din ang inspections sa mga school canteens upang siguraduhing malinis ang pagkain na kanilang niluluto.

 

Tuluy-tuloy din ang mga inspections sa mga karinderya para tiyaking malinis ang pagkain na kanilang niluluto at ipinagbibili sa mga tao.

 

Tuluy-tuloy din ang ginagawa nating clean up drive at pagbibigay sa ating mga kabarangay ng Ovicidal Larvicidal Trap Kits para puksain ang mga lamok na nagdadala ng sakit na Dengue.

 

May 27, 2016, nagkaroon tayo ng piggery consultation meeting, kasama ang QC Health Department, para sa patuloy nating pakikipag-ugnayan sa ibang ahensya ng pamahalaan sa usapin ng sanitation.

 

Bantay Aso/Pusa Summary Report

 

Para sa ating Bantay Aso/Pusa summary report, mula sa buwan ng April 2016 hanggang September 2016, nasa 385 na aso at 186 na pusa na ang ating nahuhuli na pagala-gala sa iba’t ibang pangunahing kalsada ng ating barangay. Agad natin itong dinadala sa Payatas City Pound pagkaraan ng tatlong (3) araw.

 

Sa ngayon, tuluy-tuloy ang ginagawa nating panghuhuli sa mga aso, pusa at iba pang mga uri ng hayop na gumagala sa ating mga kalsada. Ito ay bilang solusyon natin sa dumaraming problema ng mga dog bites.

 

Nagkaroon din tayo noong April 2, 2016 ng libreng hen and rooster vaccination para sa mga nag-aalaga ng mga manok. Nasa 180 na manok ang ating nabakunahan.

 

Rescue/Emergency Response Report

 

Sa ulat po natin sa ating emergency response team na bahagi din ng Health and Sanitation Committee ni Kgd. Nanay Luming de Guzman, katulong natin dito ang ating mga rescuers at responders sa agarang pagtulong sa mga insidente at aksidente na nagaganap sa iba’t ibang kalsada at lugar ng ating barangay, katulong ang ating ambulansya.

 

Sa buwan ng August 2016, nasa apatnapu’t tatlong (43) insidente at aksidente ang ating naitala. Mabilis nating natulungan at nabigyan ng paunang lunas (first aid) bago itakbo ng ating ambulansya sa malapit na ospital.

 

Sa buwan ng September 2016, nasa 79 na pasyente ang natulungan ng ating barangay na maihatid ng ating ambulansya mula sa kanilang mga bahay papunta sa iba’t ibang hospitals, kasama ang ating mga responders/medics.

 

Sa ibang uri ng sakuna, natulungan natin ang apat (4) na may mataas na blood pressure, dalawang (2) stroke patients, isa (1) ang manganganak, isa (1) ang biktima ng shooting incident, isa (1) ang sumuka ng dugo at 12 ang vehicular accident victims na nadala ng ating ambulansya, kasama ang ating mga responders/medics sa hospitals.

 

 

Task Force on Youth Development (TFYD)

Sa ulat ng ating Task Force on Youth Development na pinamumunuan ni Kgd. Nanay Luming de Guzman at ng konseho.

 

April 4, 2016, personal na ginabayan ng TFYD ang general assembly at election ng officers ng Pook Pag-asa Youth Organization.

 

April 6, 2016, lumahok ang TFYD sa Focus Group Discussion ng QC Health Department.

 

April 20, 2016, nagkaroon tayo ng workshop para sa Center for Disaster Preparedness, kasama ang QCDRRM.

 

April 21, 2016, nagkaroon ng pagpupulong ang Center for Health Solution and Innovation, kasama ang TFYD, na ginanap sa Mang Inasal, Ever Gotesco.

 

April 28, 2016, lumahok ang TFYD sa ginanap na  youth summit sa Barangay Payatas.

 

May 26, 2016, nagkaroon ng lakbay-aral, kasama ang TFYD at ang konseho, sa Corregidor Island para sa karagdagang kaalaman at matutunan ang mga best practices.

 

Patuloy ang ginagawang pakikipag-ugnayan ng ating TFYD sa hanay ng mga kabataan. Noong June 1 and 2, nagkaroon tayo ng youth team building na tinawag nating “Road to Leadership.” Ito po ay nilahukan ng 50 youth leaders.

 

June 13 and 14, 2016, lumahok ang ating TFYD, kasama ang ating BCPC, sa ginanap na 2-day workshop, kasama ang ibang barangay, na ginanap sa gusali ng QCDRRM, bilang bahagi ng disaster preparation.

 

June 20, 2016, lumahok ang TFYD sa ginanap na National Disaster Risk Reduction Forum sa Brentwood Suites, QC.

 

June 28, 2016, nagkaroon ng Tactical Dashboard and Operation Review Matrix na nilahukan ng ating TFYD sa QCPD Station 6 sa pangunguna ni Col. Sales.

 

June 29, 2016, lumahok ang TFYD sa ginanap na family planning services na pinangunahan ng Likhaan Center for Women’s Health to Women.

 

July 3, 2016, pinangunahan ng TFYD ang ginawang mass feeding sa lugar ng Bukal, Talanay.

 

July 23 and 24, 2016, nagkaroon ng mass feeding ang TFYD sa Sinagtala at Sampaguita.

 

July 28, 2016, lumahok ang TFYD sa “Talakawayan: Talakayan para sa Kaalamang Wasto tungo sa Ligtas na Pamayanan” na bahagi ng National Disaster Consciousness Month.

 

August 21, 2016, lumahok sa leadership training ang TFYD sa tulong ng SYDP.

 

September 3, 2016, nagkaroon ng youth organizing sa lugar ng Arba, Muñoz.

 

September 7, 2016, naging bahagi ang TFYD sa pagbisita ng Peace Corps sa Children International Quezon City Community Center.

 

September 17, 2016, lumahok ang TFYD sa U4U Teen Trail na ginanap sa Commonwealth High School.

 

September 22 and 23, lumahok ang TFYD sa U4U Lessons Learned in Implementing an Integrated Program for Young People na ginanap sa Dusit Hotel.

 

Nagkaroon din tayo ng Gilas Kabataan Basketball League at Gilas Kabataan Volleyball League.

 

 

Peace and Order Committee 

Sa usapin ng kapayapaan at kaayusan (peace and order), katuwang natin dito si Kgd. Bobby Miras na dati ring pulis. Tatlong (3) buwan mula nang mailuklok ang ating mahal na pangulong Duterte, malaki ang naging pagbabago sa ating barangay. Sama-sama at hawak-kamay tayong nagkaisa upang sugpuin at wakasan ang suliranin natin sa usapin ng droga at iba pang krimen na nagpapahirap sa ating mga kabarangay.

 

Buwan ng Abril nang sinimulan ang weekly consultative meeting ng Lambat-Sibat partners and weekly assessment of crime trends sa ating barangay, katuwang ang QCPD Station 6. At nasundan ang pagpupulong na ito noong Abril 8, 2016 na ginanap sa Barangay Commonwealth.

 

May 31, 2016, inilunsad natin ang pagsugpo sa mga personalidad na nasa ating barangay watch list at agad nating nadakip ang tatlong talamak na pushers sa Katangian Street na nahulihan ng anim (6) na sachets ng pinaghihinalaang Shabu.

 

June 1, 2016, dalawang talamak ang nahuli sa lugar ng Freedom Park.

 

June 13, 2016, sa pagpapatuloy ng kampanya laban sa droga, isang user ang nahuli sa lugar ng Freedom Park.

 

June 17, 2016, dalawang users ang nahuli sa Kasayahan Extension, sa tulong ng mga taong nagreport sa ating barangay.

 

June 24, 2016, sa pagpapatuloy ng programang Oplan Tokhang, ating pinaanyayahan sa barangay ang ilang personalidad na nasa ating drug watch list at katuwang natin dito ang ating Ex-O Cleofas Gaspay at Admin Adonis Monahan, upang makuhanan ng mga datos at detalye.

 

July 1, 2016, patuloy ang ginawa nating Oplan Katok at Pakiusap sa area ng Cluster 1, 2, 3 at 4 sa Kalayaan B, Likod COA at Freedom Park 1 to 5. Gayon din sa area ng Talanay na mismong si Kgd. Bobby Miras ang namuno sa pagkatok at pakikiusap.

 

July 2, 2016, personal na pinangunahan ng inyong lingkod, kasama sina Deputy Director for Administration Joselito Esquivel, Jr., Col. Pranada, Col. Roberto Sales ng Station 6, Admin Adonis Monahan at Ex-O Cleofas Gaspay, ang Oplan Kapak o Oplan Katok at Pakiusap, kasama ang ABS-CBN.

 

July 5, 2016, sa Oplan Katok at Pakiusap na ginawa sa lugar ng Constitutional Road, Congressional at Legislative, nasa 40 personalidad na kasama sa barangay drug watch list ang ipinatawag upang kausapin at pakiusapan na tumigil na sa paggamit ng ipinagbabawal na gamot na droga.

 

July 6, 2016, pinangunahan ni Kgd. Bobby Miras, Admin Adonis Monahan, Ex-O Cleofas Gaspay at kapatid ni General Bato dela Rosa na si Liga ng mga Purok Leaders President Wenky dela Rosa, ang Oplan Katok sa lugar ng Ilang-Ilang.

 

July 12, 2016, patuloy din ang ginagawa nating ugnayan ng mga mamamayan at kapulisan upang patuloy na patibayin ang ating ugnayan sa bawat komunidad sa ating barangay.

 

Lahat ng ating voluntary surrenderers ay personal na nagrereport sa tanggapan ni Kgd. Bobby Miras.

 

July 24, 2016, isang notorious na pusher ang nahuli sa Pook Pag-asa sa tulong ng isang nagmamalasakit na kabarangay. Nahulihan ito ng labing-isang sachets ng hinihinalang Shabu na nagkakahalaga ng mahigit PhP 100, 000.00.

 

July 29, 2016, inilunsad ng inyong lingkod at ni Kgd. Miras ang programang Kamustahan sa Pagbabago ng mga Voluntary Surrenderers. Dito, kasama natin ang mga kapulisan na nagbibigay paalala sa masasamang epekto na idudulot ng nakakamatay na droga. Bahagi din ng kamustahan ang boodle fight ng mga surrenderers, barangay officials at kapulisan, upang palakasin ang ugnayan. Nasa 64 ang dumalo sa kamustahang ito.

 

August 12, 2016, muling isinagawa ang ikalawang batch ng Kamustahan para sa Pagbabago ng mga Voluntary Surrenderers na dinaluhan ni Col. Lito Patay, mga kinatawan mula sa Civil Military Operation, Philippine Army Battalion at kinatawan mula sa tanggapan ni Konsehal Rannie Ludovica. Kasabay nito ay ang biglaan drug test na kung saan ay 41 ang nagpositive na agad nating kinausap. 24 naman ang nagnegative na ating pinasalamatan at pinakiusapan nang tuluy-tuloy na pagbabago.

 

August 19, 2016, isang karangalan ang muling napagtagumpayan ng Barangay Batasan Hills. Tayo po ay kinilala ng National Capital Region Police Office (NCRPO) na Most Outstanding Barangay Peacekeeping Action Team – Urban (BPAT-Urban) na kung saan ay apatnapung barangay ang lumahok.

 

August 20, 2016, muli tayong nagkaroon ng ikatlong batch ng Kamustahan sa Pagbabago ng mga Voluntary Surrenderers, kasama ang council, ang kapulisan at mga kasapi ng Philippine Army, upang patuloy na paalalahanan ang ating mga voluntary surrenderers na magbago. Kasabay nito ang biglaang drug test na kung saan ay 16 ang positive na agad din nating kinausap at binigyan ng pagkakataon. 37 naman ang nagnegative.

 

September 2, 2016, muli tayong naglunsad ng ika-apat na batch ng Kamustahan sa Pagbabago para sa Voluntary Surrenderers. Patuloy pa rin ang ating pakikipag-ugnayan sa mga voluntary surrenderers upang tiyakin na sila ay nagbabago sa mga masamang gawain lalo na sa usapin ng bawal na droga. Nagkaroon pa rin tayo ng boodle fight at biglaang drug test at dito ay nagkaroon lang tayo ng isang nagpositive at 41 na nagnegative.

 

September 8, 2016, agad sinurrender sa pamunuan ng inyong lingkod ang tatlong bulto ng Marijuana na nagkakahalaga ng PhP 300, 000.00 na inihagis sa isang lugar sa loob ng Northview I Subdivision habang hinahabol ng ating mga kapulisan. Agad natin itong isinurrender sa Camp Karingal sa tulong ni Police Colonel Lito Patay.

 

September 19, 2016, ang inyong lingkod ay naging panauhing pandangal at muling binigyan ng natatanging pagkilala sa larangan ng paglilingkod ni District Director Guillermo Lorenzo T. Eleazar na ginanap sa QCPD Camp Karingal.

 

September 25, 2016, nagkaroon din ng PNP Oplan Tokhang Anti-Illegal Drugs Campaign sa hiling na rin ng Filinvest II Subdivision. Dito ay naging panauhin si PSSupt. Guillermo Lorenzo T. Eleazar, District Director ng QCPD.

 

September 28, 2016, isang karangalan para sa ating barangay nang inilunsad ang national launching ng Mamamayang Ayaw sa Anomalya, Mamamayang Ayaw sa Iligal na Droga (MASA MASID) na ginanap sa SB Park. Sa programang ito, katuwang natin ang DILG, PNP, PDEA, TESDA, DepEd, local government, simbahan at iba’t ibang NGOs.

 

Mga kabarangay, personal po nating panoorin ang MASA MASID para mas maunawaan ninyo ang programa.

 

Sa ngayon, tuluy-tuloy ang ginagawang profiling sa ating mga voluntary surrenderers at direkta nating naipapadala ang bawat data sa QCADAC para sa monitoring and validation ng bawat kaso. Katuwang natin dito ang ating BADAC Focal Person na si Jelyn Reli.

 

Mga kabarangay, narito po at panoorin natin ang video ng paraan ng Oplan Tokhang at profiling ng mga voluntary surrenderers ng ating Barangay Anti-Illegal Drug Abuse Council or BADAC.

 

Patuloy na ginaganap ang drug dependency evaluation at counseling para sa mga kabarangay natin na biktima ng droga.

 

Tuluy-tuloy din ang ginagawang screening at assessment para sa mga biktima ng droga na bahagi ng Oplan Tokhang. Sa ngayon, may mahigit 500 na voluntary surrenderers ang ating barangay.

 

Ang sabi nga ni Kgd. Bobby Miras, “Ang isang maunlad na barangay ay tahimik at may pagkakaisa.”

 

 

Barangay Disaster Risk Reduction and Management Council (BDRRMC)

Sa ulat ng ating Disaster Risk Reduction and Management, katuwang natin dito si Kgd. Bobby Miras at ang buong council. Patuloy ang ating pagiging pag-aaral upang maging handa ang ating barangay lalo na ang ating komunidad.

 

April 4, 2016, nagkaroon tayo ng Vulnerability and Risk Assessment. Nagkaroon ng pag-aaral ang Task Force Building and Bridge ng DPWH at DRRM upang alamin kung gaano katibay ang ating barangay hall sa panahon ng sakuna at kalamidad.

 

April 8, 2016, nagkaroon ng pag-aaral ang DPOS-QCDRRMO sa ating mga residente at kung saan sila maaaring pumunta na mga evacuation areas sa oras ng sakuna at kalamidad.

 

April 20, 2016, binigyan tayo ng mga gamit ng QCDRRMC na salba bote vests na magagamit sa oras ng pagbaha.

 

April 21, 2016, lumahok ang Barangay Batasan Hills sa ginanap na nationwide shake drill ng MMDA upang patuloy na hasain sa kaalaman ang ating mga kawani sa larangan ng search and rescue.

 

May 24, 2016, lumahok tayo sa pag-aaral ng Climate Resilience and Green Growth in Critical Watersheds para pangalagaan natin ang ating mga creeks.

 

May 31, 2016, sa agarang pagresponde ng ating fire truck at ng ating mga fire responders, naagapan agad ang sunog sa BATODA terminal.

 

June 8, 2016, patuloy ang naging pag-aaral ng ating mga fire responders sa ginanap na Fire Safety and Prevention seminar sa pangunguna ni BFP Richard C. Malamog. Kasabay nito ang pagtuturo kung paano ang wastong paggamit ng equipment sa pamatay-sunog.

 

June 22, 2016, muling lumahok sa ginanap na MMDA nationwide shake drill ang ating barangay upang higit pang palakasin ang ating kaalaman at kahandaan sa panahon ng sakuna at kalamidad.

 

July 2, 3 and 9, 2016, minabuti ng inyong lingkod na mabigyan din ng kaalaman ang ating mga Purok Leaders sa cluster 5, 6, 7 and 9, bilang front liners sa kanilang mga komunidad, sa loob ng tatlong araw na pag-aaral ng basic risk reduction and management training sa pangunguna ng Philippine Red Cross.

 

July 23, 2016, lumahok ang mga Purok Leaders ng cluster 1, 2, 3, 4 and 6 sa ginanap na first aid training and seminar.

 

July 26, 2016, patuloy ang pagbaba sa mga komunidad ng ating mga kawani kasama ang CDP at PLAN International para sa programang Moving Urban Poor Communities toward Resilience in the Area, katuwang ang ating mga Purok Leaders sa lugar ng Taniman.

 

August 13, 2016, agaran ang ginawang fire rescue ng ating mga fire responders sa naganap na sunog sa Kalayaan C.

 

August 14, 2016, agad tayong nagresponde sa mga biktima ng pagbaha sa View River, kasama si Pres. Wenky dela Rosa at Loyalty P.I.P.O.L. Watch, Inc. na nagbigay ng pagkain at tubig. Agad din tayong nagbigay ng tulong sa mga biktima ng nangyaring sunog sa lugar ng Kalayaan C. Namigay din tayo ng mga pagkain, kumot, unan at grocery bags. Nagkaroon din ng mass feeding si Kgd. Miras sa mga biktima ng sunog.

 

August 14, 2016, naging bahagi ang ating barangay sa MOA signing ng Moving Urban Poor Communities toward Resilience, kasama ang ating mahal na ikalawang pangulo ng Pilipinas Leni Robredo, sa Hive Hotel.

 

August 24, 2016, binabaan natin, kasama ang ACF International, ang mga residente ng Taniman na sakop ni Purok Leader Roger Dacallos para pag-usapan ang disaster management at tulong na maaaring maibigay para sa Taniman area.

 

September 6, 2016, agad din nating inilunsad ang Moving Urban Poor Communities toward Resilience sa lugar ng Taniman.

 

September 6, 2016, kasama ang Accord at PLAN International na bumaba sa Taniman para magconduct ng ocular inspection para sa patuloy na pag-aaral at kung paano matutulungan ang komunidad ng Taniman.

 

 

Lupon Tagapamayapa

Sa ulat po ng ating mga Lupon Tagapamayapa na ating pinamumunuan at pinangangasiwaan ng ating Barangay Secretary Edwin Misolas, mabusisi ang bawat usapin na idinudulog sa ating barangay kaya’t malaking responsibilidad ang pag-aayos nito.

 

Sa buwan ng April 2016 hanggang September 2016, nasa 525 na kaso ang ating naayos at napagkasundo sa kanilang mga usapin na makikita ng ating mga kabarangay sa tanggapan ng ating Lupon Tagapamayapa.

 

Nasa 79 ang CFA, 118 ang pending cases, 27 ang dismissed, 146 ang on-going cases at 3 kaso ang hindi na itinuloy.

 

Sa kabuuan, nasa nine hundred and one (901) na kaso sa loob ng anim (6) na buwan ang idinulog sa ating barangay.

 

Nagkaroon din tayo ng Barangay Enforcement Program para sa mga Lupon na ginanap sa QC Hall sa tulong ng Integrated Bar of the Philippines.

 

Bahagi din ng proseso ng mga Lupon Tagapamayapa ang pangkat hearing.

 

Nagkaroon din ng brainstorming ang ating mga Lupon para mas lalo pang maging maayos ang bawat proseso.

 

Mayroon ding ginaganap na regular meetings ang ating mga Lupon para sa mga bagong direktiba.

 

Nakalagay din po sa tanggapan ng Lupon Tagapamayapa ang schedule ng bawat hearing ng kasong idinudulog.

 

May nakalagay din na mga babala at regulasyon, katulad ng pagbabawal sa pagdala ng baril sa loob ng tanggapan ng Lupon, bawal ang mga bata at bawal ang maingay.

 

Nakalagay din sa ating barangay ang organizational chart ng ating mga Lupon Tagapamaypa para malaman ng ating mga kabarangay.

 

 

Liga ng mga Purok Leaders

Katuwang din natin sa ating paglilingkod sa komunidad ang Liga ng mga Purok Leaders na pinamumunuan ni Pres. Wenky dela Rosa.

 

Noong August 28, 2016, inilunsad ng Liga ng mga Purok Leaders ang full support para sa patuloy na pagsuporta sa ating mga proyekto at programa para sa ating komunidad. Siyam (9) na clusters ang lumahok sa ginanap na pledge of support na ginanap sa Northview I Subdivision – ang Cluster 1 na pinamumunuan ni Purok Fe Delfin; Cluster 2 si Purok Tata dela Vega; sa Cluster 3 si Purok Jong Ludovica; sa Cluster 4 si Purok Bobeth Tulio; sa Cluster 5 si Purok Charlie Quilang; sa Cluster 6 si Asilo Falcis; sa Cluster 7 si Purok Che Padernal; sa Cluster 8 si Manuelito Vedes; at, sa Cluster 9 si Purok Alfredo Odiongan. At agad po itong ibinigay sa inyong lingkod ng mga Purok Leaders during flag-raising ceremonies ng September 5, 2016.

 

Inilunsad din natin ang “Kamustahan at Kapihan Kasama si Kapitan” sa iba’t ibang lugar ng ating barangay tuwing Sabado. Layunin ng proyektong ito na mailapit natin ang barangay sa ating mga kabarangay sa pamamagitan ng kamustahan para malaman natin ang mga suliranin sa kanilang lugar habang nagkakape kasama ang inyong lingkod.

 

September 3, 2016, nagkaroon tayo ng Kamustahan at Kapihan sa lugar ng Muslim community sa Session Road, Talanay na sakop ni Purok Leader Manuel Mendaros.

 

September 10, 2016, nagkaroon tayo ng Kamustahan at Kapihan sa lugar ng Muñoz, Talanay na sakop ni Purok Leader Marcelo Bonavente.

 

September 17, 2016, nagkaroon tayo ng Kamustahan at Kapihan sa lugar ng Area C, Talanay na sakop ni Purok Leader Alfredo Garcia.

 

September 24, 2016, nagkaroon tayo ng Kamustahan at Kapihan sa lugar ng Kasayahan at Pangasinan na sakop nina Purok Leader Amparo Inca at Purok Leader Manuelito Vedes.

 

October 1, 2016, nagkaroon tayo ng Kamustahan at Kapihan sa lugar ng Hill Street na sakop ni Purok Leader Tonilyn Aguilar.

 

Bago po natin inilunsad ang “Kamustahan at Kapihan Kasama si Kapitan,” tayo po ay naglunsad na ng Area Visitation sa iba’t ibang lugar ng Barangay Batasan Hills at dito po ay mainit na sopas ang pinagsaluhan ng ating mga kabarangay.

 

 

Budget Allocation

Mga kabarangay, hayaan ninyong ibahagi ko sa inyo upang ipaalam kung saan napupunta ang ating pondo:

 

55% po ng ating pondo para sa isang taon ay napupunta para sa compensation o sahod ng ating mga kawani sa barangay;

 

10% po ang napupunta para sa Task Force on Youth Development or TFYD;

 

20% po ang nagagamit natin sa land development;

 

5% para po sa Barangay Council for the Protection of Children or BCPC;

 

5% para po sa Gender and Development or GaD;

 

1% po ang napupunta para sa senior citizens at persons with disabilities (PWD); at,

 

3% po ang napupunta at nagagamit natin para sa ating mga kalamidad.

 

 

Panghuling Pananalita

Malayo na ang narating sa larangan ng pag-unlad ng ating barangay at kasabay nito ay ang pag-angat ng bawat kabuhayan at kaayusan sa bawat lugar.

 

Malaking parte ang ginampanan ninyo bilang bahagi ng ating komunidad. Sa mahabang panahon na tayo po ay nagsimula sa wala, nagkaisa tayong hubugin ang ating barangay mula sa mga barong-barong na nakatayo sa lupang hindi natin pag-aari, hanggang maging bato na ang tinatawag nating tunay na tahanan ng isang pamilya. Sinikap na magkaroon ng kalsada na kahit na lupa at maputik ay hindi naging hadlang para tayo ay makapasok sa ating mga hanapbuhay maituloy lang ang ating pagsisikap para sa ating mga mahal sa buhay. Nagkaroon ng simbahan, nagkaroon ng palengke, nangarap na magkaroon ng paaralan na magiging sandigan ng karunungan ng ating mga anak at ng mga sumusunod na salinlahi.

 

Lahat ng ito ay hindi man lang sumagi sa ating isipan na isang araw ay magkakatotoo dahil ang gusto lang naman natin ay mabuhay nang tahimik at maging mapayapa sa bawat araw na kasama natin ang ating pamilya. Hindi tayo natinag sa bawat hamon ng buhay dahil iisa lang ang ating paniniwala – ang magtagumpay!

 

Mga kabarangay, nasa ating mga kamay ang kinabukasan ng ating barangay. Kayo… Tayo… Ang mga lider na binigyan at pinagkatiwalaan ng taumbayan. Huwag natin silang biguin sa kanilang mga pangarap. Huwag nating hayaan na mauwi sa wala ang mga magagandang bagay na ginawa ng mga naunag lider sa atin. Patuloy tayong gumawa ng mga bagay na higit pang magtataas ng ating dignidad at pagkatao. Ang bawat isa sa atin ay mahalaga.

 

Kaya’t patuloy akong maniniwala na bilang isang tapat na naglilingkod at may malasakit na lider, hindi tayo kailanman makakalimutan ng ating mga kabarangay sa ating mga ginawa at gagawin pa.

 

Maraming salamat po at mabuhay kayong lahat!

 

 

 

 

 

 

 

 

-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-

Written by Bgy. Sec. Edwin P. Misolas

Photos taken by staff of the Barangay Council

Slides prepared by Aphrodite